Tamang proseso sa media transactions ipinagutos ng SSS

Sinabi ni Chairman Amado Valdez ng Social Security Commission (SSC), ang kinatawan na gumagawa ng mga polisiya sa Social Security System (SSS), na binigyan na ng instruksyon ng Komisyon ang pamunuan noong nakaraang buwan na siguruhing tugma ang mga proseso ng procurement alinsunod sa bagong Implementing Rules and Regulations patungkol sa media services at placements.

“Inutusan ng Komisyon ang pamunuan, sa pamamagitan ng Bids and Awards Committee nito, na mag-isyu ng panuntunan sa loob ng SSS para gabayan ang grupong pang-komunikasyon sa SSS dahil madalian ang kanilang trabaho. Kailangang masiguro natin na ang kakaibang setup na ito ng midya ay natutugunan natin dahil bawat isa sa 36 milyong miyembro natin ay may karapatan sa impormasyon kung paano tumatakbo ang kanilang pension fund” sabi ni Valdez.

Sinabi din ni Valdez na may ginagawan internal audit ngayon para maayos ang proseso sa paglagay ng mga media placements at services. “Kapag lumabas ang resulta ng internal audit, at nakita nating may naging pagkukulang sa administratibong aspeto, may proseso ang SSS para dinggin ang kaso.

Idinagdag ni Valdez na itinataguyod ng Komisyon ang laban sa korapsyon bilang bahagi ng kampanya ni Pang. Rodrigo Duterte. Idiniin niyang ang sisiguruhin ng Komisyon na ang integridad ng SSS at ang pondo nito ay hindi makokompromiso.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews