Truck ban ipatutupad sa Subic Bay Freeport

SUBIC BAY FREEPORT — Simula ngayong araw na ito Nobyembre 27 ay ipapatupad ng Subic Bay Metropolitan Authority ang truck ban sa ilang piling pangunahing kalsada kaugnay ng isasagawang Southeast Asian Games (SEAGAMES) 2019. 

Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma apektado sa ipatutupad na temporary at limited truck ban ang mga cargo trucks at mga sasakyan na may gross weight o bigat na 4,500 kilograms pataas. 

SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma

Ang mga kalsada at lugar na hindi pwedeng daanan ng mga nabanggit na trucks at sasakyan ay ang Central Business District, 14 Gate hanggang sa Rizal-Argonaut Intersection. 

Epektibo ang truck ban mula Nobyembre 27 hanggang sa Disyembre 13, 2019. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews