Vaccination Center sa Hermosa, bukas na

Nagsimula na ngayong Hueves ang first dose ng pagbabakuna kontra COVID-19 para sa mga senior citizens mula sa iba’t-ibang barangay ng Hermosa, Bataan sa Hermosa Covered Court. 

Personal na sinaksihan ni Hermosa Mayor Jopet Inton kasama ang Hermosa RHU personnel ang 160 senior citizens na siyang first batch na nabakunahan ng SinoVac vaccine sa programang ResBakuna ng Department of Health. 

Ayon pa kay Mayor Inton, ito ay ang “unang hakbang patungo sa mas ligtas at COVID- Free Hermosa.”

“Pakiusap sa mga mamamayan na mahigpit na sundin ang health protocols upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa ating vaccination site,” pahayag ni Mayor Jopet. 

Social Media Auto Publish Powered By : XYZScripts.com