Velasco bagong Bataan PNP provincial director

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na si Police Col. Romell Allaga Velasco ang bagong PNP Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) kasunod ng kanyang pagkakatalaga noong Sabado ng pamunuan ng PNP.

Si Col. Velasco ay tubong Nueva Ecija. Pinalitan ni Velasco si Police Col. Joel Tampis, na inilipat sa Camp Olivas, PNP headquarters sa Central Luzon.

Bago ang kanyang pagkatalaga sa Bataan PPO, si Velasco ay naging hepe ng Police Community Relations sa PNP Police Regional Office 3.

Si Col. Velasco ay hindi na bago sa Bataan dahil dati na siyang nakatalaga sa Camp Tolentino, Bataan PNP headquarters, at nagsilbi na ng ilang taon bilang deputy PD, mobile force commander at naging chief of police din ng iba’t ibang bayan sa Bataan. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews