144 suspek arestado sa ‘Oplan: Angry Bird’ ng Pulis Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS — May kabuuang 144 suspek ang naaresto at may 3.4 milyong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa unang linggo ng pagpapatupad ng “Oplan: Angry Bird” ng Bulacan Police Provincial Office.

Ayon Police Provincial Director Police Colonel Chito Bersaluna, ang “Oplan:  Angry Bird” ay isang pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, pagsisilbi ng search warrant sa mga loose firearms, manhunt Charlie at paghuli at pag-impound sa mga undocumented at unregistered na motorsiklo gayundin ang mga lumabag sa mga city at municipal ordinances.

Sa unang linggo ng implementasyon ay nakapagsagawa na sila ng 97 police operation na nagresulta din sa pagkakumpiska ng mahigit sa 200 piraso ng heat sealed plastic sachets, marijuana, drug paraphernalia, baril na walang kaukulang papeles, bala, playing cards, bet money at iba pang gambling paraphernalia. 

Nakumpiska din ng kapulisan ang may 236 tambutso (open pipe) ng motorsiklo at nag-impound ng may 93 motorsiklo sanhi ng kakulangan ng dokumento. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews