1,600 NLEX employees sumailalim sa COVID testing

Upang masiguro ang kaligtasan at maayos na kalusugan ng mga motorista, pinaigiting ng NLEX Corporation ang Covid-19 prevention protocols ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar sa bansa na apektado ng nasabing viral disease makaraang isailalim sa massive testing ang 1,600 na empleyado nito.

“We are conducting rapid mass testing starting 15 May 2020 for all our people with priority to the frontliners. We will see to it that only those who are cleared by the testing will face our customers. We are all geared towards keeping everyone safe during this health crisis,” ayon kay NLEX Corporation President and General Manager J. Luigi L. Bautista.

Aniya, ang NLEX ay tumutugon sa  DTI-DOLE Guidelines on Workplace Prevention and Control of COVID-19  na humihikayat na sumailalim sa testing ang mga mangagawa sa kanilang mga kumpanya.

“Since the lockdown, the tollway company has implemented stringent hygienic and disinfection protocols for the toll booths, customer service centers (CSCs), employee shuttles, construction project sites, and corporate workplaces, said Bautista.

Ang mga empleyado nito ay inu-obliga na magsuot ng face masks bago pumasok sa mga NLEX-SCTEX facilities at mga frontliners na humarap sa mga customers gaya ng mga toll tellers, patrol crews, rescue teams at customer service personnel na nakasuot ng  face shields, masks at gloves habang ang mga cash handling tellers ay obligado ring gumamit ng sanitizer kada transaksyon.

Sinabi pa ni Bautista na upang mapigilan ang pagkalat ng virus, ang NLEX Corporation ay mahigpit na ipinatutupad ang physical distancing rules sa lahat ng kanilang tanggapan o opisina.

“We are also looking into long-term solutions such as renovation of rooms, improving ventilation system, converting manual doors to automatic ones and replacing the manual faucets to hands-free, infrared taps. With all these measures in place, our customers and work teams alike can be further assured of their safety within NLEX-SCTEX,” ayon pa kay Bautista.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews