2 patay sa pagguho ng isang bahay sa Bataan

 4 

Dalawa ang napaulat na namatay habang dalawa pa ang sugatan sa pagguho ng isang ginagawang bahay sa Barangay Sabatan, Orion, Bataan.

Ayon sa inisyal na ulat ng Orion Police, nangyari ang insidente nitong Mierkoles ng hapon ganap na 3:20p.m.

Ayon sa report ni Police Major Jeffrey Onde, Orion Chief of Police, kinilala ang mga biktimang sina Maria Theresa Fernandez, 61 anyos na dead on arrival sa St. Michael Hospital, Lhencesca Fernandez, 7 years old na natabunan ng pagguho at wala na umanong buhay nang makita ng mga rumespondeng rescuer.

Samantala, sugatan naman sina Leonardo Fernandez, 58, house owner at ang helper na si Lito Bautista 65 years old na kasalukuyang nasa ospital

Nabatid sa imbestigasyon na abala sila Fernandez at Bautista sa ginagawang bahay sa bahagi ng ikalawang palapag nang bigla umanong gumuho ito.

Rumesponde ang iba’t ibang ahensya kabilang na ang MBDA, PNP, BFP Orion at MDRRMO at kaagad na nagsagawa ng clearing at retrieval operations sa lugar.