4 sa 5 PUIs sa Bataan, nadischarge na

BALANGA CITY – Apat sa limang persons under investigation o PUI mula sa lalawigan ng Bataan ang na-discharge na mula sa mga ospital sa Bataan.

Sa ulat mula kay Bataan Provincial Health Office o PHO chief, Dr. Rosanna Buccahan, tatlo ang naunang lumabas na sa ospital matapos mag negatibo sa sakit na 2019 novel coronavirus laboratory tests.

Isa pang pasyente ang lumabas na rin ng ospital matapos ang 14 araw na quarantine habang ang isa pa ay sumailalim na rin sa lab tests at naghihintay na lamang ng resulta. 

Siniguro ng opisyal na nananatiling NCoV-free ang Bataan at tiniyak nito na kapag may mga PUIs ay properly isolated ang mga pasyente nito bilang proteksyon sa mamamayang Bataeño.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews