Wanted rapist sa La Union arestado sa Bataan

 8 

Matapos ang pagtatago ng halos 16 na taon ay naaresto ng mga operatiba ng Hermosa PNP sa pamumuno ni Police Major Jeffrey Onde, katuwang ang CIDG La Union, ang isang wanted person sa Barangay Palihan, Hermosa, Bataan, Martes ng hapon.

Sa report mula sa Hermosa MPS, kinilala ang nadakip na si John Wilson Trangco y Acot, 57 anyos, native ng Sto. Tomas, La Union, at wanted sa kasong Rape.

Nadakip ito sa Warrant of Arrest mula kay Acting Judge Samuel Martires ng Regional Trial Court Branch 32 ng Agoo, La Union. 

Dinala ito sa Hermosa MPS para sa kanyang proper documentation and disposition.