4th Provincial Fire Olympics idinaos sa Bataan

Nakakuha ng 1st place award ang Barangay Mulawin (Orani) sa katatapos na 4th Provincial Fire Olympics Barangay Category sa municipal grounds ng Dinalupihan, Bataan nitong Hueves.

Bukod sa naturang award ay natanggap din ng naturang Barangay na pinamumunuan ni Punong Barangay Marvin Dela Cruz, nakuha din ng Barangay Mulawin ang Best In Muse award.

Panauhing pandangal sa naturang taunang event si Fire Senior Supt. Manuel Manuel, regional director ng Bureau of Fire Protection sa Central Luzon (BFP Region 3).

“Awareness ito sa mga barangay. Dini-develop ang mga barangay na maging force multiplier sa pagpuksa ng sunog dahil sa sila ang unang nasa area kaya sinasanay sila para makatulong bago pa dumating ang ating mga bumbero,” pahayag ni Manuel sa isang panayam.

Kabilang sa mga pinagtagisan ng 12 grupo mula sa 11 bayan at isang syudad sa Bataan ay ang bucket relay, fire extinguisher relay, at straight hose connection. Binigyan din ng award ang best in uniform. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews