82 kaso ng COVID-19, naitala sa Bataan

Walumput dalawa (82) ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bataan. 

Base ito sa ulat ng Bataan Provincial Health Office ngayong ika-26 ng Abril habang 29 naman ang nag negatibo sa resulta nitong araw ng Linggo. 

Si PH5924 ay isang 46 taong gulang na lalaki mula sa Mariveles. 

Sa kabuuan, nananatiling labing lima (15) pa rin ang nakarecover na at apat (4) ang pumanaw na sa 82 na kumpirmadong kaso.

Samantala, 836 ang naghihintay ng resulta at 882 ang nag-negatibo.

Mula sa kauna-unahang Patient Under Investigation sa probinsya noong January 31, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon nang 1,800 na na-test sa buong probinsya ng Bataan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews