Pagbigay ng relief goods patuloy sa Hermosa

HERMOSA, Bataan – Nagpapatuloy ang relief goods distribution ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ni Mayor Jopet Inton at kanyang maybahay, Atty. Anne Inton sa mga barangay na grabeng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Municipal Administrator, Atty. Ariel Inton umabot sa 11,643 pamilya o 47,235 bilang ng mga residente ng Hermosa ang naapektuhan ng matinding pagbaha bunsod ng habagat o monsoon rains.

“Nananawagan ang Hermosa LGU sa mga may ginintuang puso na nais tumulong at magbigay ng kanilang tulong para madagdagan ang ipinamamahagi nating tulong sa ating mga kababayan,” ani Atty. Inton sa naging panayam ng mga local reporters.

Katuwang sa pamamahagi ng tulong pantawid gutom ang Hermosa PNP sa pamumuno ni Hermosa MPS chief, Police Chief Inspector Marlo Dangarang, SB members, at mga barangay officials.

Sa kasagsagan ng ulan at pagbaha ay nakatuwang din ng Hermosa LGU ang pribadong sektor kabilang ang Econest Waste Management Corporation sa pamumuno ni Atty. Beulah Coeli Fiel, presidente ng kumpanya, na personal na nag supervise sa rescue efforts sa mga evacuees gamit ang dump trucks ng Econest at fire truck nila para sa paglilinis ng mga putik sa Poblacion area at iba pang lugar.

Sa mga nagnanais tumulong ay makipag ugnayan sa Hermosa MDRRMO o Mayor’s office para sa in-kind donations.

Sa mga gustong magbigay ng cash donations ay maaaring ideposit sa Hermosa LGU bank account sa Landbank account no. 2632-1000-97 (payments payable to the municipal treasurer of Hermosa, Bataan).

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews