Truck dumagan sa isang bahay sa Dinalupihan, 1 patay, 2 sugatan

BALANGA CITY — Isang truck na puno ng asukal ang nahulog at dumagan sa isang bahay sa bahagi ng Olongapo Gapan Road, sakop ng Barangay Bangal Dinalupihan, Bataan pasado alas tres ng hapon nitong Lunes.
Ito ang kinumpirma sa iOrbitNews ni Dinalupihan OIC-Police Chief, Lt. Col. Palaleo Addag.

Ayon sa ulat, naging pahirapan ang pag alis ng MDRRMO Rescue Team sa katawan ng naipit na driver ng truck na si Donald Sonza at hinihinalang patay na dahil sa “no signs of life” bilang inisyal na findings ng mga medical workers. 

Samantala, isinugod sa James Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City ang mga pahinante o helpers na nakilalang sina Joaquin Sembrano, 41, at Jomar Esquilla, 23 pawang mga taga Meycauayan, Bulacan

Sinasabing nawalan ng preno ang truck kaya’t nagpasya sana itong tumabi sa gilid ng kalsada subalit nahulog ito sa mababang bahagi ng daan o isang parking lot at dumagan nga sa isang bahay doon.

Base sa sketchy report ng Dinalupihan PNP, bago nahulog at dumagan sa bahay ni Angelo Carpio ang truck, nabangga ang mga nakaparadang limang sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Wigo, Mitsubishi GL, Honda Supremo tricycle, Suzuki Raider 150 motorcycle at Suzuki smash motorcycle. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews