LUNGSOD NG MALOLOS — Pangungunahan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang pagdiriwang ng ika-169 birth anniversary ni Marcelo H. del Pilar sa bayan ng Bulakan.
May temang “Gat Marcelo H. Del Pilar, Inspirasyon ng Sama-samang Pag-unlad ng Bawat Bulakenyo”, magsisimula ito sa isang parada ng iba’t ibang sektor na susundan ng pagtataas ng watawat at pag-aalay ng bulaklak sa kanyang bantayog.
Sa isang pahayag, sinabi ni Fernando na nasa loob tayo ng isang mapanghamong panahon, panahon kung saan sinusubok ang ating pagmamahal sa bayan dahil sa dami ng mga pagsubok na kinakaharap ng ating bansa.
Ngunit aniya sa pamamagitan ng isang Marelo H. del Pilar ay ipinapaalala sa atin na sa ating sariling paraan, magagawa nating ipaglaban ang ating mga paniniwala na alam nating makabubuti sa ating bayang sinilangan.
Nakilala sa kanyang panulat na pangalan na “Plaridel”, si Del Pilar ang nagtatag ng Diariong Tagalog at naging editor ng La Solidaridad.
Ang kanyang kaarawan na Agosto 30 kada tao ay special non-working day sa lalawigan ng Bulacan sa bisa ng Republic Act No. 7449.