BALER, Aurora — May 100 estudyante at mga kawani ang dumalo sa katatapos na Citizen Journalism Training na inorganisa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon kay PDRRMO Head Elson Egargue, layunin nito na maging kabahagi ang mga mamamayan sa pag-uulat gamit ang online media at mapabilis at mapatatag ang daloy ng pag-uulat hinggil sa kalamidad para sa kahandaan.
Dagdag pa ni Egargue na hangad din nito ang mabilisang pagresponde sa panahon ng kalamidad at emergencies.
Isinagawa ito ng PDRRMO sa tulong ng ABS-CBN Bayan Mo, I-Patrol Mo at DWBW 92.1 FM Radyo TV Baler. (CLJD/JSL-PIA 3)