Dalawang atleta mula Aurora, wagi ng gintong medalya sa Malaysia

BALER, Aurora — Nasungkit nitong Linggo ng dalawang atletang kabataan mula bayan ng Baler sa Aurora ang gintong medalya sa ginawang Powerman Malaysian Asian Duathlon Championship na ginanap sa Putrajaya, Malaysia.

Nanguna si Carl Vincent Gutierrez na residente ng barangay 5 sa Sprint Distance habang nakamit naman ni Leonard Rondina na taga barangay Sabang ang gintong medalya sa Classic Distance.

Sa isang panayam, sinabi ni Gutierrez na masarap ang pakiramdam na makapagbigay ng karangalan para sa sariling bayan at makilala ang Baler sa larangan ng isports.

Ang Duathlon ay athletic event na kinapapalooban ng pagtakbo (running leg) kasunod ng pagbibisikleta (cycling leg) at pagbalik sa pagtakbo.

Ang naturang kumpetisyon sa Malaysia ay nilahukan ng 3,400 atleta mula sa 48 bansa.

Pinaghahandaan na ng dalawa ang International Triathlon na gaganapin sa Abril 14 at 15 sa Capiz.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews