Ekonomiya ng Bulacan di apektado sa pahayag ng Amnesty International – DTI

Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Bulacan na walang negative impact ang pahayag ng Amnesty International kamakailan na itinuring na “country’s bloodiest killing fields” ang nasabing probinsiya kaugnay ng war on drugs ng Bulacan PNP.

Ayon kay DTI Bulacan head Zorina Aldana, positibo umano ang feedback ng nasabing isyu sa mga negosyante o sa ekonomiya ng probinsiya.

“Minimal and very slim lang ang negativity impact ng pahayag ng Amnesty International, as far as the economy in bulacan is concern. Isolated case lang yan at hindi naman buong lalawigan ay mayroong napapatay na drug suspect,” sabi ni Aldana.

Ayon pa kay Aldana, ang war on drugs ng kapulisan ay nagpapakita at nararamdaman ng mga negosyante na sila at ang kanilang mga negosyo ay “secured”.

Kaugnay nito, kumpiyansa rin si Bulacan Governor Daniel Fernando sa kasalukuyang kampanya laban sa droga ng kapulisan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa gobernador, patuloy niyang minomonitor at nakikipag-ugnayan sa Bulacan PNP at pinapaalalahanan na isagawa ng tama at maayos ang kanilang mga operasyon.

Umaasa rin si Fernando sa Bulacan PNP sa pangunguna ng hepe nito na si PCol. Chito Bersaluna na walang human rights violations tuwing mayroong drug operations.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews