Kongreso ng Malolos, nagbigay ng bisa sa Proklamasyon ng Kalayaan

LUNGSOD NG MALOLOS  — Kinilala ng Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan na si Gloria Macapagal-Arroyo ang naging pinakamalaking ambag ng Kongreso ng Malolos para magkaroon ng bisa ang Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.

Sa kayang talumpati sa pagdiriwang ng ika-121 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa simbahan ng Barasoain, sinabi ng dating Pangulo na ang pangyayari sa Kongreso ng Malolos ay kasing importante sa kasaysayan at kasarinlan gaya ng deklarasyon sa Kawit.

Base sa mga batayang pangkasaysayan ng National Historical Commission of the Philippines, nagkaroon ng bisa ang proklamasyon ni Pangulong Emilio Aguinaldo nang ratipikahan ito Kongreso ng Malolos noong Setyembre 29, 1898.

Ang Kongreso ng Malolos ay nagsesyon sa loob ng simbahan ng Baraosoain mula Setyembre 15, 1898 hanggang Enero 23, 1899.

Kaugnay nito, inalala ni Arroyo ang ginawang pagtutuwid sa kasaysayan ng kanyang amang si dating Pangulong Diosdado P. Macapagal.

Sa kanyang administrasyon sinimulang ipagdiwang noong taong 1962 ang Araw ng Kalayaan sa petsang Hunyo 12 mula sa Hulyo 4 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 28.

Ang Hulyo 4 ay sinimulang ipagdiwang na Araw ng Kalayaan noong 1946 nang natapos na ang Pamahalaang Commonwealth ng Amerika sa Pilipinas.

Ibinahagi ni Arroyo ang mga isinulat ni dating Pangulong Macapagal na hindi angkop na Hulyo 4 ipagdiwang ang Kalayaan ng bansa dahil hindi ito ang Kalayaang pinagpagalan ng mga Pilipino, kundi kaloob lamang ng mga Amerikano.

Makalipas ng dalawang taon, permanente nang ipinagdiwang ng bansa ang petsang Hunyo 12 sa bisa ng Republic Act 4166 noong taong 1964.

Kabilang ang simbahan ng Barasoain sa sa mga pangunahing pook pangsaysayan sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Ang iba pang lugar ay ang Liberty Shrine sa lungsod ng Lapu-Lapu; Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite; Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa lungsod ng Angeles, Bonifacio National Monument sa lungsod ng Caloocan; Museo ng Katipunan sa lungsod ng San Juan, at Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion sa Manila North Cemetery.

Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.”  a kasaysayan ng kanyang amang si dating Pangulong Diosdado P. Macapagal. 

Sa kanyang administrasyon sinimulang ipagdiwang noong taong 1962 ang Araw ng Kalayaan sa petsang Hunyo 12 mula sa Hulyo 4 sa bisa ng Proklamasyon Bilang 28.

Ang Hulyo 4 ay sinimulang ipagdiwang na Araw ng Kalayaan noong 1946 nang natapos na ang Pamahalaang Commonwealth ng Amerika sa Pilipinas.
Ibinahagi ni Arroyo ang mga isinulat ni dating Pangulong Macapagal na hindi angkop na Hulyo 4 ipagdiwang ang Kalayaan ng bansa dahil hindi ito ang Kalayaang pinagpagalan ng mga Pilipino, kundi kaloob lamang ng mga Amerikano.

Makalipas ng dalawang taon, permanente nang ipinagdiwang ng bansa ang petsang Hunyo 12 sa bisa ng Republic Act 4166 noong taong 1964.

Kabilang ang simbahan ng Barasoain sa sa mga pangunahing pook pangsaysayan sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Ang iba pang lugar ay ang Liberty Shrine sa lungsod ng Lapu-Lapu; Museo ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite; Museo ng Kasaysayang Panlipunan ng Pilipinas sa lungsod ng Angeles, Bonifacio National Monument sa lungsod ng Caloocan; Museo ng Katipunan sa lungsod ng San Juan, at Mausoleo de los Veteranos de la Revolucion sa Manila North Cemetery.

Ang tema ng selebrasyon ngayon taon ay “Kalayaan 2019: Tapang ng Bayan, Malasakit sa Mamamayan.” 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews