Lalaki nakuryente, kritikal sa Bataan

Inoobserbahan ngayon sa pagamutan ang isang construction worker makaraang makuryente ito sa Taglesville, Brgy. San Jose, Balanga City, Bataan.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Sonia Alvarez, OIC chief of police ng Balanga PNP, kinilala ang biktimang si Marvin Del Mundo, 40 anyos, nakatira sa Cupang West, Balanga City.

Nabatid sa imbestigasyon na nag-iinstall o naglalagay ito ng ridge roll o gulod sa ginagawang bubong nang aksidenteng madikit ito sa live wire at nakuryente siya at nahulog mula sa kanyang kinalalagyan. 

Mabilis itong naisugod sa Centro Medico Medical Center kung saan nabigyan ng first aid o pangunang lunas. 

Sa ngayon ay inoobserbahan  pa umano ang kalagayan nito sa nabanggit na ospital.

Leave a Reply