Lalaki patay sa shooting incident sa Hermosa, Bataan

Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa OG Road, Barangay Balsik, Hermosa, Bataan nitong Hueves, Enero 23. 

Sa report mula kay Hermosa MPS Chief, Police Major Jeffrey Onde, kinilala ang biktimang si Joseph L. Espadilla, 42 anyos, nakatira sa Lubao, Pampanga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, papasakay na ang biktima sa kanyang Toyota Innova (NIB 796) nang biglang dumating ang mga suspek saka pinagbabaril ito hanggang sa mapatay.

Ayon sa record ng PNP, nakulong na ang biktima dahil sa pagkasangkot nito sa ilegal na droga at kailan lamang nakalaya at kasalukuyang nasa probation period. 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Hermosa Police sa naturang kaso.
–Photos courtesy of Roel Tarayao

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews