Lalaki, timbog sa pambabastos ng 21-anyos na babae

Nahaharap sa kasong direct assault ang isang lalaking nagngangalang Ryan Simbulan Dayrit, 34-anyos at residente ng 64 Lansones St. Clarkview, Malabanias, Angeles City matapos magpumilit na dalhin sa isang hotel sa Fields Avenue si Sachi Sofia Calle, 21-anyos, isang entertainer noong alas- diyes ng gabi ng Enero 10.

Ayon sa biktima, nagpupumiglas ito nang bigla siyang sinakal ng suspek at doon na humingi ng tulong sa otoridad.

Naaktohan naman ni PO1 Jarnel Gill ng Station 4, Angeles City Police Office ang insidente at sa tulong ng mga opisyal ng Barangay Balibago ay nadakip si Dayrit.

Pahayag ng pulisya ng Mabalacat, ang suspek ay nahaharap rin sa kasong robbery with homicide matapos mapatunayang dawit siya sa pagpaslang sa dating kasintahan na si Idelmina Lising Quiazon, 51 taong gulang. Ika-7 ng Disyembre 2017 nang matagpuan si Quiazon na walang buhay at may bula sa bibig sa kanilang tahanan sa Villa Teodora, Dau sa Mabalacat City. Huling namataan ang biktima pasado 11:45 ng gabi noong Disyembre 6 na kainuman si Dayrit.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews