Motorcycle rider patay sa head-on collision sa Balanga City

BALANGA CITY— Patay ang isang motorcycle rider matapos ang head-on collision sa Roman Highway, Barangay Cataning sa lungsod na ito pasado alas dose ng tanghali nitong Sabado.

Sa ulat mula kay Police Lt. Col. Edward Guevara, Balanga Police chief,  kinilala ang biktimang si Remegio Duarte, legal age, residente rin ng nabanggit na barangay.

Ayon sa imbestigasyon ng PNP nag overtake umano ang minamanehong motorsiklo (CA67422) sa opposite lane at natyempo namang paparating ang isang Isuzu Elf Truck (ZMG 881) kaya’t nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.

Dead on the spot ang motorcycle rider habang kusang sumuko naman sa mga otoridad ang driver ng truck na si Rey Gutierrez, residente ng Pilar, Bataan.