Pulis, 2 suspek patay sa gun buy-bust operation sa Bataan

Patay ang isang pulis habang sugatan ang dalawa pa niyang kasamahan sa naganap na buy-bust operation na nauwi sa engkuwentro sa Orion, Bataan madaling araw nitong Martes.

Ayon sa ulat ng Orion Municipal Police Station, naganap ang operasyon sa Purok 8, Barangay Gen. Lim kung saan target ang mga suspek na sina Mark Anthony Capacia at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nagpanggap umano na bibili ng baril ang mga operatiba ng CIDG PFU Bataan, Bataan PIU Bataan, 2nd PMFC at Orion MPS mula sa mga suspek ngunit nang makita umano ng mga suspek na mga pulis ang kanilang katransaksyon, nagbunutan sila ng armas at nagkaputukan.

Nasawi sa engkuwentro si PCPL Darnel Alfonso habang nasugatan naman sina PMAJ Dennis Duran at PSSG Glenn Salac.

Patay rin ang dalawang suspek na si Capacia at ang kanyang kasama.

Nakuha sa crime scene ang ilang mga baril, bala at droga na dala ng mga suspek. Kasalukuyang iniimbestigahan pa ang insidente. (MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews