‘Tiwala ng tao’ magsusulong sa Duterte-Duterte tandem: Belgica

LUNGSOD NG PASIG –— Hindi namamana ang posisyon pero namamana ang tiwala ng tao!

Ito ang pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Greco Belgica nang tanungin ng mga mamamahayag sa opinyon nito hinggil sa pagsusulong ng Run Sarah Run at GoDu30 tandem para sa presidential election ng 2022.

Ayon kay Belgica, hindi nga namamana ang posisyon ngunit namamana naman ng anak o ng isang itinuturing na anak ang tiwala ng publiko lalo na kung nakikita ang parehong katangian ng mga ito sa ama.

Aniya, hindi talaga namamana ang pwesto dahil binoboto ito sa naisin na maipagpapatuloy ang mga nasimulang pagbabago ng kasalukuyang administrasyon.

Si Belgica ay tumakbo sa pagka-senador noong 2013 bilang independent candidate at muling tumakbo noong 2016 sa ilalim ng bandila ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Siya ngayon ang nakatalagang taga-pamuno ng PACC at founding president ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan o PDDS. |MHIKE CIGARAL 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

code