Tricycle drivers sa Bataan, nakatanggap ng ayuda

Nasa 3,000 tricycle drivers ang nabiyayaan ng tig-P5,000 sa bayan ng Pilar, Bataan nitong Hueves at Biernes.

Ayon kay Pilar Mayor Carlos “Charlie” Pizarro Jr. ang tulong pinansiyal na ito ay isa sa mga tugon ng Pamahalaang Bayan na matulungan ang kanyang mga kababayan na makaagapay sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. 

Katuwang sa naturang programa sina Bataan Gov. Joet Garcia, 2nd District of Bataan Rep. Abet Garcia, Pusong Pinoy Rep. Jett Nisay, House Speaker Lord Allan Velasco at DSWD.

Ang programang ito ay bahagi ng “Assistance to Individuals in Crisis Situations” (AICS) upang makatulong sa mga Pilarians na naapektuhan ng umiiral na krisis.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews