2 Phil. Navy Personnel, patay sa road crash sa Bataan 

Patay ang dalawang enlisted personnel ng Philippine Navy makaraang masangkot ito sa isang road crash sa Roman Expressway, Brgy. Sta. Elena, Orion, Bataan, Martes ng umaga

Ito ang kinumpirma sa RMN News ni Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco kung saan sa report ng Bataan PPO kinilala ang mga biktima na sina John Michael Cupinio, 24 anyos, taga Amadeo, Cavite at Mary Vic Divinagracia, 28 anyos taga Tanza, Cavite.

Ayon sa imbestigasyon ng Orion PNP, lulan ang mga biktima ng isang motorsiklo patungo sa bahagi ng Mariveles nang mawalan umano ng kontrol ang driver at natyempong paparating naman ang isang Isuzu SUV sa opposite lane at nasagasaan umano ang mga biktima. 

Nagtamo ang mga biktima ng grabeng pinsala sa ulo at katawan at isinugod ng rumespondeng rescue unit ng Orion LGU sa Bataan General Hospital kung saan binawian ng buhay kinalaunan ang mga biktima base sa impormasyon mula kay Orion Police chief, Major Roger Pecenio. 

Dinala naman sa Orion MPS ang driver ng naturang SUV. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews