2 sugatan sa sumalpok na truck sa Arko ng Malolos-Guiguinto

Sugatan ang driver at pahinante ng isang truck nang salpukin ang  famous landmark ng Bulacan ang Malolos-Guiguinto boundary welcome arch Huwebes ng umaga sa Mac Arthur Highway, Barangay Tikay, Malolos City.

Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang insidente bandang alas-4:56 ng madaling-araw habang binabagtas ng Foton Truck na may plakang CAK 1696 ang southbound lane ng Mac-Arthur Highway sakop ng nasabing lugar nang biglang sumalpok sa concreted pillar ng Welcome Arch sa boundary ng Malolos at Guiguinto.

Kinilala ang mga biktima na sina Ronald Atayde, 32, may-asawa, driver at Roy Atayde, 31, binata, pahinante, kapwa residente ng Purok 4, San Leonardo, Nueva Ecija.

Nabatid na habang binabagtas ng nasabing truck na my lulang buhangin ang kalsada ay nakatulog umano ang driver at nawalan ng kontrol kaya sumalpok sa arko.

Nabatid na ang pahinante ang lubhang nasugatan kung saan nadurog ang kanang binti kaya naman mula sa Bulacan Medical Center ay kinailangang ilipat ito sa Paolino J Garcia Hospital in Cabanatuan City, Nueva Ecija. 

Nagdulot naman ng mabigat na daloy ng trapiko sa magkabilang linya dahil sa naturang aksidente na kung saan ay hindi pa nai-aalis ang truck habang sinusulat ang balitang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews