3 suspected drug pushers arestado sa Orion, Bataan

Arestado ang tatlong suspected drug personalities sa isinagawang buy-bust operation ng Orion PNP sa Brgy. Daan Bilolo, Orion, Bataan nitong Sabado.

Ayon sa ulat mula kay Police Major Jeffrey Onde, hepe ng Orion Police, kinilala ang mga nadakip na sina Miraquel Reyes, 19, dalaga ng San Vicente, Orion, Bataan; Allan Buenaventura, 41, taga Poblacion, Orion, Bataan at Bernaldo Cansino, 46, residente ng Daan Bilolo, Orion, Bataan.

Nakuhang ebidensya sa operasyon ng pulisya sa lugar ang 8 plastic sachets ng suspected shabu at P500 bill na ginamit na marked money.

Dinala ang mga nadakip sa himpilan ng Orion PNP habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews