Bataan COVID-19 Update: 3 patay, 79 new confirmed cases

Tatlo ang namatay habang naitala sa 79 ang panibagong kaso ng Covid-19 sa Bataan.

Ito ang latest report ng Bataan PHO kung saan sa kabuuang bilang ay umakyat na sa 1,453 confirmed cases ng coronavirus disease.

Sa naturang bilang 647 dito ang active cases.

Ang bayan ng Mariveles kung saan nakasalilalim sa 14-day localized lockdown ang 9 na barangay mula Sept. 12-26, ang may pinakamaraming active cases na naitala sa 399.

Naiulat din ang 41 bagong recoveries na nagresulta sa 782 total recovered cases.

Sa mga latest na natest, 179 ang nagnegatibo habang nasa 330 ang pending o naghihintay ng resulta at nasa 24 ang pumanaw na.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews