Bus inspector wagi sa Talentadong Manggagawang Tarlaqueño 2018

LUNGSOD NG TARLAC — Itinanghal na Grand Winner ang isang bus inspector sa 2018 Search for Talentadong Manggagawang Tarlaqueño.

Tingalo ng singer na si Charlie Manalo ang siyam na iba pang kalahok at nag-uwi ng 15 libong piso.

First runner up naman ang sugar planter na si Mar Manguerra na may 10 libong piso habang second runner up ang Finance Section Head na si Arwin Cruz na tumanggap ng walong libong piso.

Ayon kay Department of Labor and Employment Tarlac Officer-In-Charge Aurita Laxamana, layunin ng aktibidad na bigyang pagkakataon ang mga nasa pribadong sektor na ipakita ang kanilang pagkamalikhain at angking galing sa labas ng apat na sulok ng kanilang lugar ng trabaho.

Ang mga nagwagi ay pinili batay sa Overall Performance (40 porsyento), Execution and Techniques (30 porsyento), Stage Presence (15 porsyento) at Audience Impact (15 porsyento). (CLJD/CJVF-PIA 3)