Bus lulan ng 47 guro mula sa QC, nahulog sa bangin

Nahulog sa bangin ang DEPED Service Bus sa bangin sa isang upland barangay sa Orani, Bataan pasado alas onse ngayong umaga ng Sabado.

Sa inisyal na ulat mula kay Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco, isang JAC Ankai Bus na may plakang SAA 9845 na minamaneho ni Marcelino Oliva, 62, ang nagkaroon ng break malfunction at nalaglag sa bangin sa sharp curve sa patungo umano sa Pagasa, Orani, Bataan.

Ang naturang bus ayon pa kay PD Velasco ay may sakay na 47 pawang mga guro o teachers mula sa Quezon City.

Kaagad na sumaklolo ang Orani Rescue Unit, Metro Bataan Development Authority o MBDA para saklolohan ang mga sugatan.
(MHIKE CIGARAL)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews