Commercial building naabo sa Bataan

Tinupok ng malaking sunog ang isang commercial building malapit sa plaza ng lumang munisipyo sa Brgy. Wawa, Abucay, Bataan nitong Linggo ng umaga.

Base sa inisyal na ulat mula sa Bureau of Fire Protection o BFP, umabot sa second alarm ang sunog na nagsimula ganap na 8:20 ng umaga at naapula makalipas ang isang oras matapos rumesponde ang mga pamatay sunog ng Abucay, mga karatig bayan kagaya ng Samal, Balanga City at SBMA Fire Department.

Maswerte namang walang nasaktan sa naturang sunog na sinasabing nagmula sa isang shawarma outlet dito. 

Inaalam pa ng BFP ang pinagmulan at halaga ng natupok ng apoy.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews