Morong, Most Outstanding Municipality in Nutrition sa Bataan

LUNGSOD NG BALANGA — Iginawad ng Provincial Health Office o PHO sa ikalawang magkasunod na taon ang pagkilala bilang Most Outstanding Municipality in Nutrition sa Morong.

Ayon kay Municipal Nutrition Action Officer Jocelyn Mañalac, iba’t-ibang programang pangkalusugan ang isinasagawa ng kanilang bayan tulad ng home, school and community food production; micronutrient supplementation; at food fortification and assistance.

Kabilang sa kanilang estratehiya ang pagtungo sa mga pinasulok na purok ng kanilang bayan para magbigay serbisyo.

Dagdag pa ni Mañalac, naging epektibo ang pagsasagawa nila ng nutrition education; nutrition in essential material, child health services, human resource development; at nutrition advocacy para sa mga bata.

Samantala, kinilala din ng PHO si Desiree Salmorin ng Tabing Ilog sa bayan ng Samal bilang Most Outstanding Barangay Nutrition Scholar. (CLJD/MJSD-PIA 3 kasama si Maria Sophia Reyes,intern)

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews