Online seller, patay sa pamamaril sa Balanga City

Nakahandusay sa sahig nang matagpuan ng mga otoridad ang isang online seller makaraan umanong paslangin ito ng kanyang live-in partner sa Joyous Village, Brgy. Sibacan, Balanga City, Bataan, araw ng Linggo.

Sa inisyal na ulat mula kay Bataan Police Director, Police Col. Romell Velasco, kinilala ang biktima na si Regine Austria Ebueng, 33 anyos, residente ng Brgy. Sibacan ng naturang lungsod.

Ang suspek ay nakilalang si Aldrin John Soriano, 40 anyos, taga Brgy. Tenejero, Balanga City na umano’y binaril ang biktima sabay takas sang-ayon sa mga nakasaksi. Rumesponde bukod sa Balanga City Personnel ang Health Emergency Management System o HEMS na siyang mag examine sa biktima at idineklarang wala na itong buhay. 

Tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang selos o jealousy na isa sa maaaring dahilan ng alitan ng maglive-in partner na nauwi sa naturang krimen. 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon dito ng Balanga Police at pagtugis sa suspek.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews