Stage 1 ng Bulacan Bulk Water Supply Project, target matapos ngayong Oktubre

LUNGSOD NG MALOLOS — Nakatakdang tapusin ng San Miguel Corporation ang Stage 1 ng Bulacan Bulk Water Supply Project o BBWSP ngayong Oktubre.

Ayon kay BBWSP Project Manager Ramon Fabul, saklaw ng Stage 1 ang pagbabaon ng tubo sa mga pangunahing lansangan partikular na sa San Jose Del Monte, Marilao, Meycauayan, Bocaue, Obando at Balagtas.

Dinisenyo ang BBWSP upang humigop ng milyung milyong litro ng tubig mula sa Angat Dam, sa bayan ng Norzagaray, patungo sa mga kabayahan sa pamamagitan ng mga water districts.

Sa kasalukuyan, humihigop sa ilalim ng lupa ang mga water districts upang makapagsuplay sa mga kabahayan at maging sa mga pabrika.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews