Lalagyan ng solar power panels ang mga major at newly expanded toll plazas sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX) Corporation bilang bahagi ng paggamit ng makabagong enerhiya na makatutulong rin sa pagtitipid sa kuryente.
Ayon kay Kit Ventura, head ng NLEX Communication Office, ang mga toll plazas na magkakaroon ng grid-tied solar power system ay ang mga bahagi ng Balintawak Barrier, Bocaue Barrier, Mexico Toll Plaza, Angeles Toll Plaza, San Fernando Southbound Toll Plaza, at Karuhatan Interchange Toll Plaza.
Aniya, ang Meycauayan Southbound Toll Plaza, na siyang pilot area ng nasabing proyekto nitong 2018, ay kasalukuyan nang gumagana.
ng NLEX Communication Office, ang mga toll plazas na magkakaroon ng grid-tied solar power system ay ang mga bahagi ng Balintawak Barrier, Bocaue Barrier, Mexico Toll Plaza, Angeles Toll Plaza, San Fernando Southbound Toll Plaza, at Karuhatan Interchange Toll Plaza.
Aniya, ang Meycauayan Southbound Toll Plaza, na siyang pilot area ng nasabing proyekto nitong 2018, ay kasalukuyan nang gumagana.
Ang Solar power ay usable energy na ang pinagkukunan ay mula sa liwanag buhat sa araw na nagiging kuryente sa pamamagitan ng photovoltaic cells o solar cells, paliwanag ni Ventura.
Ayon naman kay NLEX Corporation President and General Manager Luigi L. Bautista, “We have since incorporated sustainable energy in our business operations as we already have solar-powered devices such as closed-circuit television (CCTV) cameras, emergency call boxes and roadway lighting.
This time, we’re implementing it in our toll plazas not only to generate energy savings, but more importantly, to lessen our carbon footprint.”
Inaasahang makukumpleto ang nasabing solar power project bago matapos ang taon kung saan nais ng NLEX na lalong mapabuti ang energy efficiency, makapagbahagi ng cleaner air at makabawas ng carbon emissions sa kahabaan ng expressway.
“We are aware of the impact of infrastructure development on climate change. As an ISO 14001:2015 (Environmental Management System) certified company, the NLEX Corporation strives to encourage green practices and comply with environmental responsibilities,” dagdag pa ni Bautista.
Ang naturang solar power project ay makapagbibigay ng mahigit 430 KWH ng elektrisidad taon-taon katumbas ng 108 tons ng recycled wastes at mahigit 5000 tree seedlings na tumutubo sa loob ng 10 taon.