Unang 100 bahay para sa mga Scout Rangers, matitirahan na

 4 

LUNGSOD NG MALOLOS — Pwede nang matirahan ang unang 100 bagong gawang pabahay para sa mga kasapi ng First Scout Ranger Regiment na nasa bayan ng San Miguel.

Ito ang tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go sa kanyang pangunguna sa Closing Ceremony ng mga nagsipagtapos ng Scout Ranger Course Class 204-2017 at Scout Sniper Course Class 24-2017 na ginanap sa Kampo Tecson.

Ang bawat yunit ay may floor area na 60 square meters habang ang lupa ay may sukat na 200 square meters. Nagkakahalaga ang bawat yunit ng 950,000 piso at target matapos ang lahat ng 1,000 bahay sa katapusan ng taon.

Kabilang sa mga potensyal na makikinabang sa nasabing bagong mga pabahay ang may 70 nagsipagtapos na Scout Rangers at 18 na Scout Snipers.

May padala ring mga bagong cellular phone units si Pangulong Duterte na iniabot ni Secretary Go para sa mga nagsipagtapos.