Lalaki patay sa pamamaril sa Mariveles, Bataan

Patay ang isang lalaki sa naganap na shooting incident Biernes ng gabi sa MAAP Road, Alas-asin, Mariveles, Bataan.

Ayon sa ulat mula kay Bataan Police Provincial Director, Police Col. Romell Velasco, kinilala ang biktimang si Roy Salguero, legal age, may asawa at nakatira sa naturang lugar.

Nabatid sa inisyal na ulat ng Mariveles Police na nakatayo ang biktima sa harap ng kanyang tahanan nang dumating ang mga hindi pa nakilalang dalawang suspek sakay ng isang white Toyota Corolla na may plate number TNX 745 saka pinagbabaril ang biktima sabay takas dala ang nabanggit na getaway vehicle. 

Dinala ang biktima sa Mariveles District Hospital subalit idineklara itong DOA. 

Kinalaunan ay narekober ng pulisya ang getaway vehicle malapit sa crime scene.Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo at responsable sa naturang krimen. 

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews