Opisyal ng DPWH Bulacan, natagpuang patay sa loob ng sasakyan

Natagpuang wala nang buhay ang isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Second Engineering District Office sa loob ng kaniyang sinasakyang government-issued vehicle sa Baliwag-Pulilan Bypass Road Lunes ng gabi.

Kinilala ni Baliwag Police chief PMaj. Avelino Protacio II ang ang biktima na si Engineer Al Centeno, 57, may-asawa, nakatira sa William Ville II, Barangay San Juan, City of  Malolos at nakatalaga sa Materials and Quality Control Section ng 2nd District Office ng DPWH sa Bulacan..  

Natagpuan ito bandang 10:48 ng gabi sa kahabaan ng Baliwag-Pulilan Bypass Road sa nakaparadang sasakyan nito na HiLux pickup na government issued vehicle.

Ayon sa kapulisan, wala umanong nakitang palatandaan sa katawan ng biktima ng ano mang sugat ng saksak o tama ng bala at kasalukuyan pang inaalam ang resulta ng autopsy kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito.

Nabatid na naka-flash alarm na sa kapulisan ang umanoy pagkawala ng biktima kung saan huli siyang nakita nitong nakaraang Linggo ng tanghali at nitong Lunes ng gabi nang bangkay na siya ng matagpuan sa likurang bahagi ng kaniyang sasakyan.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Baliwag police upang matunton kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng biktima pero aminado ang kapulisan na lito sila sa kaso dahil hindi nawala ang mga suot nitong mga alahas at wallet maliban lang sa cellphone ng biktima na hindi matagpuan.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com
https://m.youtube.com/c/iorbitnews